photo by: Grecelle Lagman |
Bilang
pagpapahalaga sa pagdiriwang ngayong taon ay ang pagbigay ng mga SMART SIM na
magagamit lamang ng mga estudyante ng BulSU. Kapag aktibo na ang ang sim card,
magkakaron ng libreng texts ang gagamit nito, at may lamang 30 php load kada
linggo sa loob ng isang buwan. Kapag ang nasabing promo ay napaso(expired) na,
pwedeng mag-apply ang user ng iba pang promos tulad ng pag-load ng 5php para
magkarron ng unlimited texts sa isang araw, 10php sa dalawang araw, at 15php sa
tatlong araw.
Ang
nasabing koneksyon ay nakalaan din para sa pagkakalat ng mga mensahe at anunsyo
ukol sa pamantasan. Ayon kay Louie de Guzman, isang kinatawan ng SMART
communications, ang pangunahing layunin ng nasabing SIM card ay para manatili
ang koneksyon ng pamantasan sa mga mag-aaral nito.
"Kapag
may and accurate announcement, diretso na sa inyong phone," sabi niya.
Kahit ang mga hindi subscribers ng SMART ay makatatanggap din ng mga anunsyo
galing sa pasadyang BulSU SMART SIM.
Simula
pa noong panahon ng BUlSU President Rosario Pimentel, naging napakamatulungin
ng SMARTCommunications
sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng SMART wireless connection laboratory na
ginagamit ng mga estudyante ng College of Electronics and Communications Engineering.
Samantala,
ang temang ‘BulSU @ 107: Academic Excellence through Social Responsibility and
Linkages’ ay inanunsyo sa paunang seremonya nito na nagpapatunay na ang layunin
ng pamantasan ay pangasiwaang mabuti ang panlipunang responsibilidad sa
kinabukasan ng mga mag-aaral, kasabay ng pagpapalawak nito sa buong mundo na
may lumalaking koneksyon. (medyo baduy last part)
Binigyang-diin
sa talumpati ni Dr. Danilo Hilario, BulSU Vice President for Planning,
Research, and Extension, na ang century-old academe ay napagtagumpayan sa
pamamagitan ng mga pagsubok. “We have triumphantly gone through all the
challenges," sabi niya.
Samantala,
Ang University President Mariano de Jesus ay nagpahayag ng pakiusap sa mga
estudyante, “Ang hiling ko lang sa mga estudyante ay itanim nila sa kanilang
mga isipan ang salitang exccellence upang ang lahat ng kanilang gagawin ay
maging excellent.”
Ang
isang linggong selebrasyon ay nagtapos sa paghihipan ng kandila, pagsasalu-salo
ng anniversary cakes at pagpapailaw ng mga paputok bilang simbolo sa masayang
pagdiriwang ng kahusayan.
No comments:
Post a Comment