Muling
isinagawa ng Kolehiyo ng Artes at Letras
(CAL) sa ika-apat na pagkakataon ang Media Summit na ginanap sa Bulacan State
University ( BulSU) Hostel Function Hall, bilang bahagi ng pagdiriwang ng
linggo
ng kanilang kolehiyo, Pebrero 16.
Ito ay
may tema na “MassMedia
as Catalyst in Uplifting Social Awareness of the Filipinos,” na inorganisa
ng CAL faculty teachers na sina Yolanda Villavicencio mula sa Departamento
ng Ingles at Sir Pineda mula sa Departamneto ng Filipino.
Ang
ilan sa mga kilalang
mamahayag na nagpaunlak ng pagdalo ay si Salvador Royales, tagapagpahayag
sa isang radyo at Steve Dailisan ng GMA News TV. Hindi naman pinalad
na makarating ang isa sa sikat na mamahayag na si Arnold Clavio, na isa sa mga
naimbitahan na makibahagi sa nasabing seminar.
“Nanghihinayang
ako dahil
hindi nakarating si Sir Arnold Clavio, kasi inantay ko talaga siya, siyempre
kasi diba magaling na brodkaster yun. Pero magaling din naman yung ibang
speaker,” ani ni Elmar Cundangan ng 3a-Journalism.
Sa
kabilang banda upang mas
lalo pang palawigin ang kaalaman ng mga estudyante ng maskom sa pamamahayag, nag-organisa
rin ang CAL ng seminar kung saan ang sikat na manunulat na si Ricky
Lee ang naimbitahan maging tagapagsalita, na ginanap rin sa BulSU Hostel
Function Hall.
No comments:
Post a Comment