Dalawang
tagumpay ang sabay na naiuwi ni Bearonica Leth Castro sa nakaraang Organization
of Student Services Educators, Inc. (OSSEI) National Conference on Campus
Journalism and 5th Writing Competition na
ginanap sa Tagaytay City. Pebrero 4.
Nagwagi
sa unang pwesto si Castro sa Editorial Writing na may temang ‘Impunity’ at
nasungkit naman nya ang ikaapat na pwesto sa Dev Comm Writing.
DOUBLE WIN. Castro seen competiting seriously (above)and OSSEI Administrators awards her effort |
Isa si
Castro sa napiling kinatawan ng Pacesetter, ang opisyal na pahayagan ng mga
mag-aaral ng Bulacan State University, sa naturang patimpalak.
36
unibersidad mula sa iba’t-ibang panig ng bansa kabilang ang mga estudyante ng Far Eastern University at University
of the Philippines sa mga nakalaban ni Castro.
Taunang
paghahasa sa husay at talento ng mga estudyanteng mamamahayag ang layunin ng
0SSEI, kasama rin si Rey Langit sa nasabing kompetisyon bilang guest speaker.
Ang
respetadong mamamahayag ng Central Luzon na si Ben Domingo ang naging hurado sa
dalawang kategoryang napanalunan ni Castro.
"“Overwhelming ‘yong pakiramdam na nanalo ako sa dalawang kategorya to think na nationals pa ‘yon. Malaki pasasalamat po sa Pacesetter s’yempre kasi kung ‘di dahil sa kanila, ‘di ko naman makukuha ‘to," ani Castro.
No comments:
Post a Comment