Saturday, March 17, 2012

2 BulSUan wagi sa 4th Colors of Life Cocolife Ni Bearonica Leth Castro


Nag-uwi ng parangal sina Love Joie Delos Santos at Renz Marrione Bautista, kapwa Fine Arts students mula sa College of Fine Arts and Architecture, nang tanghalin silang runner ups sa 4th Colors of Life Cocolife Students’ Visual Arts Competition na ginanap sa Makati, Disyembre 15. 

Ang ‘Emergence of a Hero’ ni Delos Santos at ‘Tribyut’ ni Bautista ay parangal sa mga makabagong bayani ng ating bansa; ang Overseas Filipino Workers (OFW). Base sa tema ng nasabing kompetisyong ‘Modern Day Heroes’, ipinakita ng dalawa ang kanilang perspektibo tungkol sa mga OFWs. 

Samantala, nasungkit naman ni Alfredo Martinez mula sa Polytechnic University of the Philippines ang unang pwesto dahil sa kanyang ‘Everyone can be a Hero’ at ang ikalawa naman ay inuwi ni Froilan Pastrana Jr. mula sa Technological University of the Philippines dahil sa obrang ‘Patungo’; Sila ang sinundan sa pwesto nina Delos Santos at Bautista.

Madami nang napanalunang national competition ang dalawa kaya naman naging malaking tulog ito upang mahasa ang kanialng talento. Tulad na lamang nitong nakaraan kung saan ay pareho ‘din silang nagwagi sa Petron’s National Art Competition at Philippine National Oil Company Art and Calendar.

“Iniisip ko na lang na dapat matapos ko na agad ‘yon baka kasi ‘di na ko buhay sa susunod an araw. Basta pag gumawa ka, hangga’t maaari sana ay gawin nang mabuti,” ani Delos Santos.

Nag-uwi ang dalawa ng tig-15,000php at Personal Accident Insurance na nagkakahalaga naman ng 250,000php.

Dado, waging SG President ni Bearonica Leth Castro



Inihalal na bagong Student Government (SG) President si Julius Dado mula sa College of Information and Communication Technology (CICT) sa Bulacan State University (BulSU), Pebrero 24.

Nagkamit ng 5,627 votes si Dado na kabilang sa partidong Alliance of Students for Action and Progress (ASAP) laban kay Robin Del Pilar ng Partido Demokratikong Mag-aaral (PDM) na nakuha naman ng 5,212 votes.

“Maaasahan nila mula sa akin ang serbisyong malinis at totoo. Dadalin natin ang BulSU tungo sa mas payapa at mas maayos na estado,” ani Dado.

Samantala, win by default naman ang nagyari kay Sha De Jesus mula PDM sa pagka-bise presidente dahil wala itong kalaban.

2 senador din mula sa ASAP ang nagwagi, at 3 naman mula sa PDM. Hawak pa din ng huli ang mayorya sa Local Student Government (LSC) seats dahil karamihan sa mga nanalo dito ay mula sa nasabing partido.

“Positive ako sa naging resulta ng eleksyon. I have nothing against PDM, pero mas appropriate kasi ang vision ng ASAP na BulSUan muna bago iba, na hindi lahat ng problema kailangan pag-usapan sa kalsada,” komento ni Elmar Cundangan mula Journalism 3A.

Naganap ang opisyal na proklamasyon ng mga bagong SG officers nitong Pebrero 27.

Wednesday, March 14, 2012

CAL night, matagumpay na isinara ang CAL week ni Grecelle Lagman


   ROCK AND ROLL. Masayang nagsipanik sa stage halos lahat ng estudyante
ng CAL upang sabay sabay  sumayaw at makisaya sa gabi ng selebrasyon.
                                                                                                     Photo by: Beiah Castro


Hindi maikakailang naging masaya ang pagdiriwang ng College of Arts and Letters Week (CAL) sa pagsasari nito sa night na ginanap sa Bulacan Hiyas Convention Center, Pebrero 17.

Sa temang ‘A Taste of Rock’, binuhay ng mga estudyante ang 70s at 80s Rock and Roll Era sa pamamagitan ng kanilang mga kasuotan at karakter noong gabing iyon.

Napagdesisyunan ang nasabing tema base na din sa online voting na ginawa sa facebook.

\
Maliban sa nasabing pagdiriwang at pagsasara ng CAL Week, ilang awardings din ang ginanap bilang pagbibigay pugay sa talento at achievements ng Broadcasting, Journalism, Theater Arts, at Creative Writing students. Ilan nga dito ang awarding ng Journalism student achievers, Sine Bulacan State University awarding, Best in Thesis awarding, at marami pang iba.

Bida naman sa gabing iyon ang nagwagi bilang Best Male and Female Rockstar of the Night na sina Charles Dela Cruz at Noorjan Karsil, kapwa Broadcasting Students.

“Masayang masaya ‘yong night na ‘to. Iba siya compared sa mga nakaraang taon, iba kasi ‘yong vibe. Siguro nadala na ‘din ng rockstar theme. Masaya talaga, lalo na n’ong sayawan na,” ani Jesson Lagman ng BAMC 2A.

Malaki ang pasasalamat ng buong kolehiyo sa lahat ng suporta at tumangkilik sa buong CAL Week. 

Journalism student, kampeon sa National Writing Competition ni Arna Catel Coronel






Dalawang tagumpay ang sabay na naiuwi ni Bearonica Leth Castro sa nakaraang Organization of Student Services Educators, Inc. (OSSEI)  National Conference on Campus Journalism and 5th Writing Competition na ginanap sa Tagaytay City. Pebrero 4.

Nagwagi sa unang pwesto si Castro sa Editorial Writing na may temang ‘Impunity’ at nasungkit naman nya ang ikaapat na pwesto sa Dev Comm Writing. 

DOUBLE WIN. Castro seen competiting seriously
(above)and OSSEI Administrators awards her effort
Isa si Castro sa napiling kinatawan ng Pacesetter, ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Bulacan State University,  sa naturang patimpalak.

36 unibersidad mula sa iba’t-ibang panig ng bansa kabilang ang mga estudyante ng Far Eastern University at University of the Philippines sa mga nakalaban ni Castro.

Taunang paghahasa sa husay at talento ng mga estudyanteng mamamahayag ang layunin ng 0SSEI, kasama rin si Rey Langit sa nasabing kompetisyon bilang guest speaker.
Ang respetadong mamamahayag ng Central Luzon na si Ben Domingo ang naging hurado sa dalawang kategoryang napanalunan ni Castro.

"“Overwhelming ‘yong pakiramdam na nanalo ako sa dalawang kategorya to think na nationals pa ‘yon. Malaki pasasalamat po sa Pacesetter s’yempre kasi kung ‘di dahil sa kanila, ‘di ko naman makukuha ‘to," ani Castro.


Solusyon sa pahirapang enrollment; BulSU LAN-based system ikakasa na ni Bearonica Leth C. Castro



Matapos maitala ang pinakamalalang enrollment nitong nakaraang semestre, inaprubahan na ng Bulacan State University (BulSU) Board of Reagents (BOR) ang magsisilbing paunang solusyon na Local Area Network-based (LAN-based) enrollment system proposal na sisimulang gamitin sa darating na Hunyo.

Sa pamamagitan ng Board Resolution No. 57 series of 2011, ang nasabing sistema ay ipatutupad sa pagbubukas ng panibagong academic year sa unibersidad ayon mismo kay BulSU President Mariano de Jesus.

“Ang instruction ko, by hook or by crook ay ngayong June gagamitin na natin ito [LAN-based enrollment] para hindi na magkagulo [sa enrollment].”

Sa ilalim ng sistemang ito, bawat kolehiyo ang magkakaroon ng isang computer na konektado sa Assessment Office kung saan ay ma-lo-localize na ang proseso ng assessment kapag enrollment. Hindi tulad ng dati kung saan ay lahat ng enrollees ay sabay-sabay pang pumipila sa limang windows lamang ng nasabing opisana na siyang nagiging dahilan ng mahahabang pila at matagal na proseso ng pag-e-enroll.

“That [LAN-based enrollement] will be good, less stressna para sa aming mga estudyante. But the administration has to make sure that this will work. Baka kasi kapag na-implement na ay magdulot pa lalo ng gulo,” komento ni Hope Laganao, fourth year Electric Engineering student.

Ugat ng problema

Mula sa naging malaking pagbabago na naitala noong 1st sem kung saan ay 70% improvement rate sa enrollment, bumagsak ito sa pinakamalalang sitwasyon na siyang nagdulot ng umaapaw na reklamo mula sa mga estudyante.

Isa lang sa mga reklamong naibato sa administrasyon at maging sa Student Government (SG) body ay ang magulong patakaran sa mga gates ng unibersidad; kung anong oras ito magbubukas upang magpapasok ng mga nagnanais pumila ng maaga.

“Inagahan ko para mauna kasi alam ko six ng umaga nagbubukas ang mga gate, tapos nagulat na lang ako nag-text  sa aking ang kaklase ko 4:30 AM pa lang daw pala nagbukas na ng gates. Nahuli tuloy kami sa pila, ilang arawko tuloy binuo ang enrollment,” igit ni Peter John Servilla, third year Biology Student.

Paliwanang naman ni Security-in-Chief Enrique Balane na sumusunod lamang sila sa tinatawag nilang Standard Operating Procedures (SOP) kaya naman may araw kung saan 6 AM sila nagbubukas ng gates, at may araw na mas maaga pa. Sinusunod lamang nila ang kanilang SOP kapag 6 AM sila nagbubukas, samantalang kapag mas maaga naman ay ibig sabihin daw nito ay may memo na nagmula sa administrasyon. Ngunit hindi naman daw kasi araw-araw na nagbaba ng nasabing memo, kaya wala silang magagawa kundi ang sumunod sa kanilang SOP.

Isa pang problemang kinaharap ng mga estudyante ay ang magulong ticket numbering system para sa Cashier at Assessment offices.

“Napakahaba ng pila lalo na sa assessment. Ang naging siste tuloy naubos ang isang araw namin para sa pagpila dito kasi sobrang dami ng pumipila, ang dami pang sumisingit kaya hindi umuusad. Pang-gulo pa ‘yang numbering, kasi may mga nakakuha na pala ng numbers kahapon , pa’no naman ‘yong hindi alam na nagpamigay pala kahapon?” reklamo ni Nica Entreso na isang Nursing student.

Samantala, pilit naman dumipensa si SG President Brian Carpio ang naging problema.

“Sa assessment kasi no’ng una napakagulo ng pila. Nakaabot hanggang 3rd gate kaya namahala na kami (SG) sa pagna-number. Tinulungan rin kami ng mga organizations natin dito kaya mas napadali ang assistance,”

Anomalya sa gitna ng gusot
Maliban sa mga naging problema sa mismong sistema ng nakaraang enrollment, isang kontrobersya naman na kinasasangkutan ng dalawa gwardiya ang nakilahok sa gulo.

Nahuli sina Joe Enriquez at Nicanor Cortez, guards ng 3rd gate, na nagbebenta ng ticket number sa halagang 50 pesos.

“Magulang ‘yong nag-report sa’min na may guards na nagbebenta ng ticket, guards ng third gate. Sinabi ko agad sa HR (Human Resource) and sa Chief ng guards. No’ng imbestigahan, dalawa nga ‘yong magkasabwat no’n,” ani Carpio.

Agad inaksyunan ng kinauukulan ang nasabing pangyayari, natanggal agad sa trabaho ang dalawang sangkot dahil sa pagiging fixers na mariing ipinagbabawal ng unibersidad.

“Actually, kinausap ko sila, siguro dala ng pangangailangan kaya nila ‘yon nagawa,” paliwanag ni President de Jesus tungkol sa insidente.

Dagdag pa ni Vice President for Finance Evangeline Custodio, “Hindi natin tino-tolerate ang mga gano’ng aksyon. Kung mayro’ng complaints ang mga estudyante, iparating nila sa admin at aaksyunan ‘yan, basta may basis ang allegations.”

Ipinahayag naman ng IRRA agency, kung saan kabilang ang mga nasabing gwardiya, na huawag naman sana maging repleksyon ng buong agency ang kasalanan ng iilan.

LAN-based: epektibo o panggulo?

Ayon kay VP Custodio, maaring magkaroon ng maraming depekto ang nasabing proseso. Mahabang proseso pa ang pagdadaan ng pagbili ng mga kagamitang kakailanganin; kabilang na dito ang mga kable at hardware systems. Dagdag pa niya, ang pondo ng nasabing proyekto ay magmumula sa mga income-generating projects ng BulSU, katulad ng renta mula sa Graceland Inc.

“Approved pa lang ito [LAN-based], pero we’re doing our best para ma-LAN na nga kaya lang it will be needing time bago ito magamit,” ani Custodio.

Ayon din kay SG President Carpio, hindi maikakailang hindi ligtas ang LAN sa system related problems tulad na lamang ng weak security system at hacking prone features na kasalukuyan namang pinag-aaralan at susubukang maiwasan ng Management Information System ng unibersidad. Ito ang dahilan kung bakit matagal bago ma-aprubahan ang nasabing proposal mula ng maipasa ito taong 2009.

Kung sakali man daw na hindi pa magamit ang naturang sistema sa darating na hulyo, balik sa dating proseso ng enrollment ang mga estudyante.

Journalism Students bumida sa CAL night ni Sharmaine Abaro


Tila isang pagbawi ang ginawa ng Kolehiyo ng Artes at Letras(CAL) ng kanilang bigyan ng karangalan ang ilang mag-aaral ng Journalism III-A(BAJ III-A) na isinabay sa Night ng Kolehiyo sa Hiyas Convention Center,February 17,2012.



Matapos masawi sa ipinangakong tarpaulin,binigyan ng pagkilala sina Archieval Mariano at Ann Lea Santiago kasama na rin si Sherwin Jalot’jot bilang pagkatawan sa Bulacan State University at maging sa CAL sa iba’t ibang patimpalak.


“Natuwa pa rin ako kahit pa’no.Kasi diba ang tagal na no’n tapos kumbaga ngayon lang kami binigyan ng pagkilala.Pero,thankful pa rin naman ako,’yon nga lang di na ga’nong masaya”,pahayag ni Lea.


Dalawa naman sa mga mag-aaral ng III-A ang hindi nabanggit sa gabing iyon,sina Arna Catel Coronel at Bearonica Leth Castro na lumaban sa (di ko kasi alam kung saan) sa kadahilanang hindi alam ng Kolehiyo na lumaban ang mga ito.


Samantala,nakamit ni Patrick Punzalan na mula rin sa BAJ III-A ang ikatlong pwesto sa Essay Writing Contest ng English Olympics bilang parte ng pagdiriwang ng Linggo ng Kolehiyo ng Artes at Letras noong February 15.

BulSU nagdiwang ng ika-107th foundation week ni Micah Jenessa Cruz


photo by: Grecelle Lagman



Bilang pagpapahalaga sa pagdiriwang ngayong taon ay ang pagbigay ng mga SMART SIM na magagamit lamang ng mga estudyante ng BulSU. Kapag aktibo na ang ang sim card, magkakaron ng libreng texts ang gagamit nito, at may lamang 30 php load kada linggo sa loob ng isang buwan. Kapag ang nasabing promo ay napaso(expired) na, pwedeng mag-apply ang user ng iba pang promos tulad ng pag-load ng 5php para magkarron ng unlimited texts sa isang araw, 10php sa dalawang araw, at 15php sa tatlong araw.

Ang nasabing koneksyon ay nakalaan din para sa pagkakalat ng mga mensahe at anunsyo ukol sa pamantasan. Ayon kay Louie de Guzman, isang kinatawan ng SMART communications, ang pangunahing layunin ng nasabing SIM card ay para manatili ang koneksyon ng pamantasan sa mga mag-aaral nito.

"Kapag may and accurate announcement, diretso na sa inyong phone," sabi niya. Kahit ang mga hindi subscribers ng SMART ay makatatanggap din ng mga anunsyo galing sa pasadyang BulSU SMART SIM.

Simula pa noong panahon ng BUlSU President Rosario Pimentel, naging napakamatulungin ng SMARTCommunications sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng SMART wireless connection laboratory na ginagamit ng mga estudyante ng College of Electronics and Communications Engineering.

Samantala, ang temang ‘BulSU @ 107: Academic Excellence through Social Responsibility and Linkages’ ay inanunsyo sa paunang seremonya nito na nagpapatunay na ang layunin ng pamantasan ay pangasiwaang mabuti ang panlipunang responsibilidad sa kinabukasan ng mga mag-aaral, kasabay ng pagpapalawak nito sa buong mundo na may lumalaking koneksyon. (medyo baduy last part)

Binigyang-diin sa talumpati ni Dr. Danilo Hilario, BulSU Vice President for Planning, Research, and Extension, na ang century-old academe ay napagtagumpayan sa pamamagitan ng mga pagsubok. “We have triumphantly gone through all the challenges," sabi niya.

Samantala, Ang University President Mariano de Jesus ay nagpahayag ng pakiusap sa mga estudyante, “Ang hiling ko lang sa mga estudyante ay itanim nila sa kanilang mga isipan ang salitang exccellence upang ang lahat ng kanilang gagawin ay maging excellent.”

Ang mga opisyal ng gobyerno ng Bulakan ay pinagpala ang nasabing pagdiriwang upang magpakita ng suporta para sa panibagong tagumpay na nakamit ng century-old university; ang Gobernador ng Bulakan Wilhemino Sy-Alvarado kasama ng mga alkalde ng mga lugar na kinatatayuan ng mga BulSU campuses na sina Kgg. Arnel Mendoza ng Bustos, Reynaldo San Pedro ng lungsod ng San Jose del Monte, Kgg. Patrick Neil Meneses ng Bulakan, Kgg. Angel Cruz Jr. ng Hagonoy, at Kgg. Christian Natividad ng lungsod ng Malolos.

Ang isang linggong selebrasyon ay nagtapos sa paghihipan ng kandila, pagsasalu-salo ng anniversary cakes at pagpapailaw ng mga paputok bilang simbolo sa masayang pagdiriwang ng kahusayan.